Isa ang patay sa sunog sa Sampaloc, Maynila
Isa ang kumpirmadong nasawi sa sunog na naganap sa Loreto Street sa Sampaloc, Maynila.
Aabot sa sampung mga bahay ang tinupok ng apoy at umabot sa mahigit 30 mga pamilya ang nawalan ng tirahan.
Nagsimula ang sunog alas 10:20 ng umaga sa ikalawang palapag ng isang inuupahang bahay at mabilis na kumalat samga kalapit na bahay.
Maliban sa isang nasawi na hindi pa nakikilala, mayroon pang isa na hinahanap ng kaniyang kaanak.
Apat naman ang naitalang sugatan sa sunog kabilang sina Ritchie Catle, 37 anyos, FO1 John Natividad na tumalon mula sa ikalawang palapag ng nasunog na bahay, Rosemarie Gonda at anak nitong si Mary Ann.
Umabot sa 4th alarm ang sunog at alas 11:30 ng umaga nang ideklara na fire out na ang nasabing sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.