DOLE, aminadong hindi sapat ang P1,000 wage increase sa mga kasambahay sa NCR

By Mariel Cruz December 13, 2017 - 10:45 AM

Hindi pa rin sapat ang P1,000 dagdag sa sweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III.

Sa isang panayam, sinabi ni Bello na kahit gawing dalawang libong piso ang idagdag sa sweldo ng mga kasambahay ay kulang pa rin ito.

Mababa pa rin aniya ang sweldo na P3,500 o P4,500 para sa mga kasambahay.

Una nang inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board National Capital Region ang P1,000 wage increase para sa mga kasambahay sa Metro Manila noong November 30.

Kinumpirma naman ito ni Sec. Bello noong December 2.

Dahil dito, obligado na ang mga employer na swelduhan ang kanilang kasambahay ng P3,500, sa halip na P2,500 kada buwan.

Pero nilinaw ni Bello na ang P1,000 wage increase ay para lamang sa mga kasambahay na kasalukuyang tumatanggap ng P2,500 na sweldo.

Magmumulta naman aniya ang mga employer na hindi susunod sa kautusan ng hindi bababa sa P10,000.

 

 

 

 

 

 

TAGS: kasambahay, Metro Manila, minimum wage, kasambahay, Metro Manila, minimum wage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.