Joint session para sa hirit na martial law extension sa Mindanao, nagsimula na
Inumpisahan na ang joint session ng Senado at Kamara para sa hirit na martial law extension sa Mindanao.
Maagang dumating sa House of Representatives ang mga mambabatas at ang mga opisyal ng Malakanyang at mga kagawaran nan may kaugnayan sa implementasyon ng martial law sa rehiyon.
Maliban sa mga senador at kongresista, kabilang sa mga dumadalo sa joint session ay si Department of Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana at Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Eduardo Año.
Pasado alas 9:00 ng umaga nang simulan ang sesyon.
Sa pagsisimula ng sesyon, 14 na senador at 216 na kongresista ang present.
Isang taon pang extension ang hinihingi ni Pangulong Duterte sa kongreso para sa pagpapairal ng martial law sa Mindanao na nakatakda nang mapaso sa Dec. 31, 2017.
Sinabayan naman ng kilos-protesta ng ilang grupo sa harap ng Kamara ang isinagawang joint session.
Sa kanilang protesta sa labas ng Batasan Complex, iginiit ng grupong Akbayan na huwag nang palawigin pa ang batas militar sa Mindanao.
I-follow ang thread na ito para sa update sa mga kaganapan sa joint session:
Guevarra: There is nothing in Sec 18 of Art 7 [of the Constitution] that will give any extension should be the same as the original period of 60 days. the wording is very open-ended. | @VinceNonatoINQ
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) December 13, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.