WATCH: Closed van, nasunog sa EDSA-Ortigas flyover

By Justinne Punsalang December 13, 2017 - 07:16 AM

Kuha ni Justinne Punsalang

Hindi na mapapakinabangan pa ang isang closed van matapos itong masunog sa Ortigas flyover northbound.

Kamasa ring naabo ang iba sa mga kargang tissue ng naturang closed van.

Ayon sa driver ng truck na si Jonas Sulit Punoan at pahinanteng si Arthur Lamagan, nanggaling sila sa Taguig at ihahatid na sana ang mga kargang tissue sa SM North.

Anila, sa bandang SM Megamall pa lamang ay nakita na nila na umuusok ang kanilang van.

Kaya naman nang makarating sila sa Ortigas flyover ay doon sila gumilid para isalba ang kanilang kargang tissue.

Mabilis namang naapula ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog at dahil sakop na ng Quezon City ang lugar na pinangyarihan ng insidente, itinurn over na ito sa QC BFP.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, palyadong electrical wiring ng truck ang naging sanhi ng pagliliyab nito. Anila, may kalumaan na kasi ang naturang truck.

Samantala, umabot hanggang EDSA Ayala ang mabigat na trapiko dahil sa naturang aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: closed van, edsa ortigas flyover, fire incident, traffic, closed van, edsa ortigas flyover, fire incident, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.