Pagpapabalik sa bansa ng Reyes brothers, pinoproseso na ayon sa DOJ

By Ricky Brozas September 21, 2015 - 07:35 PM

 

Mula sa Inquirer.net/DOJ Photo

Ipinoproseso na ang agarang deportation sa magkapatid na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, ang PNP ang susundo sa magkapatid sa Thailand.

Sa oras na maihatid na sa Pilipinas, kailangang mag-ulat ang arresting officer sa korte.

Matatandaan na naglabas ng warrant of arrest ang Puerto princesa RTC Branch 52 nuong March 2012 laban sa dalawang Reyes dahil sila ay pangunahing akusado sa pagpatay sa environmentalist-broadcaster na si doc gerry ortega.

Pero habang wala pang commitment order kung saang bilangguan ikukulong sina Reyes, maaring manatili muna sila sa NBI detention facility o di-kaya ay sa detention facility ng PNP.

Excerpt: Ang magkapatid na Reyes ay naaresto kahapon sa Phuket, Thailand dahil sa pagiging overstaying aliens sa nasabing bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.