Sagbayan, Bohol, niyanig ng magnitude 3.0 na lindol

Tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa 6 kilometers Southwest ng Sagbayan, Bohol.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig alas 12:11 ng madaling araw ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, 7 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Samantala, alas 10:11 ng Martes ng gabi nang yanigin naman ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan naman ng Palimbang sa Sultan Kudarat.

Naganap ang pagyanig sa 65 kilometers Southwest ng Palimbang.

Ayon sa Phivolcs, 527 kilometers ang lalim ng lindol kaya hindi ito nakapagtala ng intensities.

Kapwa hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...