Bagyong Urduja napanatili ang lakas, tatama sa kalupaan ng Bicol o Eastern Visayas ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo December 13, 2017 - 06:23 AM

Napanatili ng bagyong Urduja ang lakas nito at ayon sa PAGASA, maari itong tumama sa kalupaan sa weekend.

Sa weather Bulletin ng PAGASA, ang tropical depression Urduja ay huling namataan sa 455 kilometers east ng Surigao City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 7 kilometers bawat oras sa direksyong North Northwest.

Ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, kung hindi mababago ang forecast track ng bagyo, sa Sabado ay posible itong tumama sa kalupaan ng Bicol Region o Eastern Visayas.

At posible rin nitong tawirin ang Southern Luzon area sa darating na weekend.

Kaya pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga ilalabas na weather bulletin ng PAGASA.

Ngayong araw, makararanas na ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa bagyong Urduja, habang kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Mindanao, nalalabing bahagi ng Visayas at mga rehiyon ng MIMAROPA at CALABARZON.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bicol Region, eastern visayas, Pagasa, Tropical Depression, Urduja, Bicol Region, eastern visayas, Pagasa, Tropical Depression, Urduja

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.