Ayon kay Purisima, hindi sila basta-basta magpapatupad ng mga ‘populist policy’ o mga sikat sa mamayan na panukala tulad ng pagtatapyas sa buwis.
Paliwanag ni Purisima, bukas naman ang Aquino administration sa pagpapatupad ng mga ‘holistic’ o pangkabuuang reporma sa sistema ng pagbubuwis sa bansa kabilang ang adjustment sa tax rates and brackets.
Mas kailangan aniya ang ganitong diskarte dahil ito ang pinakaresponsableng hakbang na magagawa ng pamahalaan..
Ang pahayag na ito ng pamahalaan ay suhestyon sa suhestiyon ng Tax Management Association of the Phils sa paniniwalang bibigyan nito ang publiko ng pagkakataon na gumastos at pasiglahin ang ekonomiya na reresolba naman sa underspending ng pamahalaan.