Tax cut posibleng makasama sa halip na makabuti sa publiko – DOF

By Alvin Barcelona September 21, 2015 - 07:30 PM

 

financeNagbabala si Finance Secretary Cesar Purisima sa posibilidad na mas makakasama sa taumbayan kalaunan ang tax cut kung hindi ito pag-iisipang mabuti.

Ayon kay Purisima, hindi sila basta-basta magpapatupad ng mga ‘populist policy’ o mga sikat sa mamayan na panukala tulad ng pagtatapyas sa buwis.

Paliwanag ni Purisima, bukas naman ang Aquino administration sa pagpapatupad ng mga ‘holistic’ o pangkabuuang reporma sa sistema ng pagbubuwis sa bansa kabilang ang adjustment sa tax rates and brackets.

Mas kailangan aniya ang ganitong diskarte dahil ito ang pinakaresponsableng hakbang na magagawa ng pamahalaan..

Ang pahayag na ito ng pamahalaan ay suhestyon sa suhestiyon ng Tax Management Association of the Phils sa paniniwalang bibigyan nito ang publiko ng pagkakataon na gumastos at pasiglahin ang ekonomiya na reresolba naman sa underspending ng pamahalaan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.