Sa kanilang letter complaint, nais ng grupong Pinoy Aksyon Governance Environment o PAGE na muling silipin ng Ombudsman ang ang pagkakasangkot ni Alvarez sa kasong isinampa noon ng Manila International Airport Authority-NAIA Association of Service Contractors (MASO).
May kaugnayan ang reklamo sa pinasok na kontrata ni Alvarez sa Philippine Air Terminals Co. Incorporated upang maitayo ang build-operate-transfer contract para sa NAIA Terminal 3 noong 1997.
Naiward sa PIATCO ang kontrata sa kabila ng katotohanang wala itong sapat na pondo upang isagawa ang proyekto.
Gayunman, noong 2002, nadismis ang naturang reklamo sa ilalim ni Ombudsman Aniano Desierto.
Paliwanag ng PAGE, dapat muling buhayin ang reklamo at maimbestigahan si Alvarez kaugnay sa naturang anomalya dahil ito ang dating senior assistant general manager at chief operating officer ng MIAA noong mga panahong iyon.
Bukod pa dito, chairman rin si Alvarez ng Technical Committee ng Department of Transportation and Communications Pe-Qualification Bids and Awards Committee.
Kahit anila umalis na sa MIAA si Alvarez, nagpatuloy ang interes nito sa kontrata sa pamamagitan ng kumpanyang Wintrack Builders Inc., kung saan isa sa mga incorporators nito ay ang asawa ni Alvarez na si Emelita.