Ex-PNoy, handang isiwalat ang lahat sa Dengvaxia issue
Nangako si dating Pangulong Benigno Aquino III na sasabihin niya ang katotohanan tungkol sa kontrobesyal na P3.5 bilyong halaga ng Dengvaxia program na sinimulan sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Sa text message na ipinadala ng dating pangulo sa INQUIRER. net, kinumpirma niyang natanggap na niya ang imbitasyon mula sa Senate blue ribbon committee.
Ayon kay Aquino, 4:10 ng hapon ng Martes nila natanggap ang imbitasyon para dumalo sila sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa isyu.
Sinabi pa ng pangulo na nais nilang makibahagi sa pagsasabi ng katotohanan sa mga tao tulad ng lagi nilang ginagawa.
Kasabay nito, ay tiniyak niya ang pagsunod sa mga batas, patakaran at tradisyon.
Nakatakdang ipagpatuloy ng Senado sa pamumuno ni Sen. Richard Gordon ang pagdinig tungkol sa Dengvaxia controversy bukas, araw ng Huwebes. / Kabie Aenlle
Excerpt: Handa si Aquino na sabihin ang kanyang nalalaman sa Denvaxia program na sinimulan ng kanyang administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.