Presidential appointees na gustong mag-abroad kukuha muna ng permit kay Duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga presidential appointee na kumuha muna ng permit mula sa kanyang tanggapan kapag mag-aabroad o dadalo sa mga international event.
Sa talumpati ng pangulo sa Presidential Award for Child Friendly Municipalities and Cities sa Malacañang ay kanyang binigyang-diin na dapat umiwas sa mga junket o hindi importanteng mga byahe.
Ayon sa pangulo, pag-aaralan niya muna kung karapa’t dapat ang mga biyahe sa abroad.
Una rito, sinabi ng pangulo na pitong biyahe sa abroad ang ginawa ni Presidential Commission for the Urban Poor Chairman Terry Ridon mula ng maitalaga siya sa kanyang posisyon noong Setyembre.
Si Ridon ay dating kinatawan ng Kabataan Partylist sa Kamara na sinasabing isa sa mga grupo na kaalyado ng Communist Party of the Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.