Paglakas ng bagyong Urduja ibinabala ng PAGASA
Isa nang ganap na bagyo ang unang namataan na low pressure area sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa inilabas na weather bulletin ng PAGASA kaninang alas-kwatro ng hapon, tatawaging “Urduja” ang nasabing bagyo.
Ang Tropical Depression “Urduja” ay huling namataan sa layong 480 kilometers sa Silangan Hilagang-Kanluran ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Siya ay may lakas na 55kph malapit sa gitna at gustiness o pagbugsong umaabot sa 65kph.
Tinatahak ng nasabing sama ng panahon ang direksyon patungo sa Hilaga Hilagang-Kanluran sa bilis na 6kph.
Bukas ng umaga ay inaasahan na ang bagyong Urduja ay nasa layong 495 kilometers sa Silangan ng Guian, Eastern Samar.
Sinabi ng PAGASA na asahan pa ng lalakas ang nasabing sama ng panahon sa susunod na mga oras.
Pinayuhan rin ng weather bureau ang mga mangingisda sa Bicol region, Eastern Visayas at Caraga dahil sa malalaking alon ng dagat partikular na sa Silangang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.