Ayon kay Sen. Franklin Drilon, sang-ayon sa rekomendasyon ng militar ay wala umanong legal na basehan o nasusulat sa konstitusyon kaugnay sa sinasabing ‘psychological impact’ bilang dahilan ng extension nito.
Paliwanag ni Drilon, unang-una ay dapat nga ay i-lift na ang martial law sa Mindanao dahil wala nang dahilan para sa pagpapatupad nito matapos na mabawi ng militar ang Marawi City.
Nagsagawa ng briefing ang security officials ng Malacañang kanina sa Senado na dinaluhan nina National Security Adviser Hermogenes Esperon, AFP Chief of Staff Gen. Rey Guerrero at Defense Sec. Delfin Lorenzana.