Duterte: Terry Ridon had too much…too soon
Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang personalan sa kanyang ginawa nilang pagsibak sa lahat ng opisyal ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).
Partikular na tinukoy ng pangulo ang kanyang desisyon na sipain sa posisyon si PCUP Chairman Terry Ridon dahil sa kanyang madalas na byahe sa labas ng bansa.
Ipinaliwanag ng pangulo na hindi tugma ang istilo ng pamumuno ni Ridon sa ahensiyang kinakatawan niya na nakatuon para sa mga mahihirap na Pinoy.
Ayon kay Duterte, “PUCP Terry Ridon had too much, too soon. Traveled seven times since being appointed in Sept; no personal reason for firing him”.
Si Ridon ay dating Kabataan Partylist Representative sa Kamara na kabilang sa tinaguriang Makabayan bloc na sinasabing kabilang sa mga organisasyon sa ilalim ng Communist Party of the Philippines.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ridon na nagpapasalamat siya sa ilang panahong pananatili sa PCUP kasabay ng pagmamalaki na naging matagumpay ang kanyang pamamahala sa ahensiya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.