Duterte tiniyak na mananagot sa batas ang mga nasa likod ng Dengvaxia controversy
Hahabulin at papapanagutin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga indibidwal na may criminal culpability sanhi ng Dengvaxia controversy o ang anti-dengue vaccine na itinurok ng Department of Health sa may 830,000 na mga bata.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa ngayon ay hinihintay pa ng pangulo ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Senado at ng Department of Justice bago tugisin ang mga responsable sa Dengvaxia controversy.
“Well, the President is awaiting results of the investigation. And he has promised that after investigation are — has been or have been conducted both by the Senate and the Department of Justice — that he will run after all individuals who may have criminal culpability for this”, ayon sa kalihim.
Sinabi pa ni Roque na pinanindigan ngayon ng pangulo ang naging rekomendasyon ng Department of Health na papanagutin ang Sanofi Pasteur.
Ang nasabing pharmateutical firm ang manufacturer ng Dengvaxia vaccine.
Suportado rin aniya ng pangulo ang hirit ng DOH na P3.5 Billion na refund na ibiniyad sa naturang kumpanya.
Dagdag pa ni Roque, “Meanwhile, he stands by the recommendation of the DOH to hold Sanofi responsible. We want, by way of mere — by way of minimum, a refund of what we have paid already for the Dengvaxia”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.