Bagong tax reform panira sa pasko ayon sa Makabayan bloc

By Erwin Aguilon December 12, 2017 - 03:23 PM

Radyo Inquirer

Tinawag na panira ng pasko ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang nakatakdang ratipikasyon ng Kamara para sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Sinabi ng mambabatas na anti-poor ang tax reform program ng pamahalaan dahil sa magiging mabigat na pasanin at lalong magpapahirap sa mga mahihirap habang pumapabor naman sa mga mayayaman at malalaking negosyante.

Paliwanag nito, ang mga mahihirap ang target ng TRAIN Sa halip na ang mga mayayaman at mga malalaking korporasyon na hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Mas marami aniyang mahihirap ang tatamaan sa mabigat na epekto ng TRAIN dahil sa pagtaas ng kuryente sa coal tax, pagtaas ng pamasahe bunsod ng excise tax sa mga produktong petrolyo, sweetened beverage tax at 12% VAT na ipapataw sa mga serbisyo tulad ng shipping at energy generation.

Idinagdag pa nito na magiging balewala ang pagtapyas sa income tax dahil babawiin naman ito ng pamahalaan.

TAGS: Carlos Isagani Zarate, tax reform, Train, zarate, Carlos Isagani Zarate, tax reform, Train, zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.