Malakanyang naglinaw, Urban Poor Commission, hindi ia-abolish kundi sisibakin lang ang mga commissioner

By Chona Yu December 12, 2017 - 01:02 PM

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nauna nitong anunsyo na pagpapa-abolish ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ia-abolish ang buong komisyon kundi sisibakin lamang ang kanilang commissioners dahil sa pakakasangkot sa korapsyon.

Partikular na binanggit ni Roque ang pagkakaroon umano ng junkets abroad ng mga commissioner nito at sa kabila ng pagiging isang collegial body ay hindi umano nagpupulong ang mga opisyal nito bilang collegial body.

Base sa website ng PUCP, kabilang sa mga commissioners nito sina Dr. Joan Arango Lagunda, Dr. Melissa Avanceña Aradanas at Manuel L. Serra, Jr.

Ang PCUP ay pinamumunuan ni dating Kabataan Party list Rep. Terry Ridon bilang chairperson.

Magugunitang inanunsyo ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo na mayroon siyang “sisibakin” na isang buong komisyon dahil sa isyu ng korapsyon.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Presidential Commission for the Urban Poor, Rodrigo Duterte, Presidential Commission for the Urban Poor, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.