Ama ni Rep. Niel Tupas, pinaaaresto ng Sandiganbayan

By Len Montaño September 21, 2015 - 07:05 PM

 

Inquirer file photo

Ipinaaaresto na ng Sandiganbayan si dating Iloilo Gov. Niel Tupas dahil sa kasong graft kaugnay ng pagbayad nito ng kuryente sa isang power supplier.

Ayon sa clerk of court na si Atty. Ma. Teresa Pabulayan, naglabas ang Sandiganbayan 5th division ng warrant noong huwebes pero lunes lang ito narelease.

Una ng nanindigan si Tupas, na kaalyado ni Pangulong Aquino at ama ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., na siya ay inosente sa mga kaso pero susuko anya ito at magpipiyansa sa anti-graft court.

Inakusahan ng Ombudsman ang nakakatandang tupas, tatlong dating opisyal at incumbent provincial officials ng paglabag sa batas matapos bayaran ng provincial government ang Green Core ng 5.88 million pesos para sa kuryente mula December 2009 hanggang April 2010 kahit ang actual usage ay 1.88 million pesos lang.

Nagbayad ang provincial government base sa nakonsumong mahigit isang milyong kilowatt per hour na kuryente kahit ang aktuwal na konsumo ay mahigit 500 kilowatt per hour lang. Pero ayon kay Tupas Sr., wala siyang ibinulsang pera mula sa kontrata.

Hindi anya stable ang kanilang power supply noon at inasahan nila ang pagtaas sa demand ng kuryente.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.