7 taon gulang na batang babae, nasawi sa Dengue

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2017 - 11:22 AM

Isang pitong taong gulang na batang babae na hindi pa nababakunahan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia ang nasawi sa sakit na dengue, Martes ng umaga.

Sa tweet ni Dr. Eric Tayag, assistant secretary for policy and health systems ng Department of Health, sinabi nito na severe dengue ang tumama sa nasabing bata.

Kahapon aniya, habang siya ay nanonood ng hearing sa Senado kaugnay sa pagbili ng pamahalaan sa nati-dengue vaccines ay ipinagdarasal niya ang kondisyon ng bata na noon ay nasa ospital.

Nagkaroon aniya ng organ failure ang bata dahil sa severe dengue at nasawi kaninang umaga.

Ang nasabing bata ay hindi pa aniya nakatanggap ng bakuna kontra dengue.

Base sa naging kampanya noon ng DOH, ang Dengvaxia ay ibinibigay sa mga batang edad 9 na taon pataas.

Hindi naman tinukoy ni Tayag kung saan nakatira ang batang nasawi.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti dengue vaccine, Dengue, department of health, severe dengue, anti dengue vaccine, Dengue, department of health, severe dengue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.