WATCH: Restaurant sa NAIA ng broadcaster na si Anthony Taberna, pinagnakawan

Kuha ni Jan Escosio

Napasok ng mga kawatan ang restaurant na pag-aari ng broadcaster ng ABS-CBN na si Anthony Taberna.

Natuklasan ng mga staff ng “Ka Tunying’s Café” sa 4th floor ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Martes ng umaga na pinagnakawan ang restaurant.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, isang staff ng restaurant ang nagpatid sa kanila ng pangyayari.

Nakitang awasak ang kaha ng restaurant at hindi bababa sa P50,000 ang nanakaw mula dito.

May nakuha ring laptop at iba pang electronic gadgets.

Iniutos naman na ni Monreal ang pag-review sa lahat ng CCTV sa palibot ng restaurant upang makatulong sa imbestigasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...