Ayon sa Philippine consulate office sa New York, wala pa naman silang natatanggap na ulat na may Pinoy na apektado ng pagsabog sa subway attack sa Time Square.
Kaugnay nito, hinikayat ng konsulada ang Filipino-American community sa New York na tumawag sa kanilang hotline na 9172940196 para iulat kung may malalaman silang Pinoy o Filipino-American na maaring naapektuhan ng pag-atake.
Pinayuhan din ang mga Pinoy na iwasan muna ang lugar hangga’t isinasagawa pa ang clearing ng mga otoridad.
Lima ang nasugatan sa nasabing pag-atake kabilang na ang suspek na si Akayed Ullah na isang Bangladeshi.
Gumamit si Ullah ng home-made pipe bomb sa ginawang pag-atake.
MOST READ
LATEST STORIES