WATCH: Babaeng hinihinalang tulak ng droga arestado; nobyo na target ng operasyon, nakatakas

Kuha ni Mark Makalalad

Hindi na nagawa pang makatakbo ng isang 18-anyos na babae ang nahuli ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3.

Nakuha mula sa babae ang isang pakete ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,500 sa isang bahay sa Oliba St. Nawasa Site, Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Habang ang ang kanyang nobyo naman na siya talagang target ng operasyon ng mga QCPD ay nakatakas at iniwan sya.

Masama naman ang loob ng babae dahil basta na lang siya iniwanan ng boyfriend na dumaan sa bubong ng bahay nang matunugan ang mga pulis.

Narito ang report ni Mark Makalalad:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...