P1M halaga ng musical instruments na ipinadala ng isang OFW, nawawala

By Mark Gene Makalalad December 12, 2017 - 07:53 AM

Nagpasaklolo sa Parañaque City Police ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na kakauwi lang ng bansa matapos umanong hindi makarating ang ipinadalang nyang package ng musical instruments na nagkakahalaga ng humigit kumulang P1 milyon.

Ayon kay Mel Guevarra, habang nasa Saudi sya noong taong 2014, nagpadala siya ng musical instruments para sa kanyang anak dito sa Pilipinas.

Kabilang sa package ang isang vintage guitar na ginamit pa umano ng bandang Beatles, drums at amplifier.

Makaraan ang tatlong taon, nabatid ni Gueverra na hindi pa pala nakakarating ang kanyang ipinadala at wala ring maipakitang kahit na ano ang cargo company kahit pa kumpleto sa resibo ang complainant.

Sa katunayan, hinamon pa nga sila ng cargo company na magsampa ng kaso.

Posibleng maharap sa kasong estafa ang naturang kompanya habang hinihintay pa ng Parañaque Police ang tugon nito.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: musical instruments, ofw, paranaque city police, musical instruments, ofw, paranaque city police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.