LPA sa Surigao, posibleng maging bagyo sa susunod na 1 hanggang 2 araw

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2017 - 06:28 AM

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA na huling namataan sa 450 kilometers East ng Surigao City sa Surigao Del Norte.

Ayon kay PAGASA, weather specialist Samuel Duran, posibleng maging bagyo ang nasabing LPA sa susunod na 24 hanggang 48 oras.

Papangalanan itong Urduja sa sandaling maging bagyo habang nasa sa loob ng bansa.

Dahil sa extension ng nasabing LPA, makararanas na ng pag-ulan sa Mindanao, MIMAROPA at ilang bahagi ng Visayas.

Tail-end ng cold front naman ang magdudulot ng pag-ulan sa Bicol region, Eastern Visayas, mga lalawigan ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Habang ang mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, nalalabing bahagi ng Central Luzon, Cagayan Valley, Aurora Province at Metro Manila ay apektado ng Northeast Monsoon.

 

 

 

 

 

TAGS: low pressure area, Pagasa, philippines, Urduja, weather, low pressure area, Pagasa, philippines, Urduja, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.