Detalye ng $300-M military aid na hiniling ng Pilipinas sa US, dapat ilantad

By Isa Avendaño-Umali September 21, 2015 - 04:21 PM

 

Inquirer file photo

Nababahala si Kabataan PL Rep. Terry Ridon sa lumabas na ulat ng New York Times o NYT kaugnay sa ‘secret request’ daw ni Pangulong Noynoy Aquino sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng 300 million dollars o P13.9 billion na military aid.

Ayon kay Ridon, nakasaad daw sa report sa NYT na may titulong “Warily Eyeing China, Philippines may invite US back to Subic Bay” noong September 20, may plano raw ang Amerika at Pilipinas na gamitin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA para makabalik ang US sa ating bansa.

Mababasa rin sa NYT report ang umano’y pag-uusap din sa posibleng pagbuhay o pagbubukas ng US base sa Subic Bay.

Detalyadong natalakay daw sa naturang pahayagan ang strategic importance ng muling pagbubukas ng Subic Bay at mapalakas ang abilidad ng Amerika sa South China Sea.

Pero sa kabila ng hiling ni Pangulong Aquino na 300 million dollars, ibinasura raw ito ni US President Barack Obama dahil sa pangamba sa korupsyon at kapasidad ng Pilipinas na mapangasiwaan ang pagpasok ng resources.

Hindi naman kuntento si Ridon sa lumabas na ulat at ngayon ay iginiit sa Aquino administration na idetalye ang 300 million dollar-request sa Amerika.

Binigyang diin ni Ridon na kaduda-duda ang request ng gobyerno sa US na ayuda, gayung walang konsultasyon o hindi man lamang ipinaalam sa Kongreso.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.