Lalaking nagpabaya sa 30 aso na nasawi, kakasuhan

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act ang isang lalaking responsable umano sa pagkamatay ng 30 mga aso matapos isakay ang mga ito sa isang van na walang tamang bentilasyon.

Kinumpirma ng Philippine Canine Club Inc. (PCCI) na mitembro nila ang lalaki.

Ayon sa PCCI, dadalhin sana ang mga aso sa isang dog show sa Marikina noong December 2. Pero nang buksan ang van sa activity center ay wala nang buhay ang mga aso.

Dehydration at heat stroke umano ang dahilan ng pagkamatay ng mga aso.

Sinuspinde na ng PCCI ang naturang miyembro habang patuloy ang imbestigasyon tungkol dito ng kanilang board of directors.

Samantala, ayon sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), naghahanap pa sila ng mga ebisensya at testigo na magpapatibay sa kanilang isasampa laban sa naturang lalaki.

Paalala ni PAWS Executive Director Anna Cabrera, kailangang mayroong sapat na bentilasyon para sa mga aso o anumang hayop kung ita-transport ang mga ito. Ani Cabrera, hindi tama na ilagay lamang basta-basta sa truck o sa luggage area ang mga hayop.

Read more...