BSP: Pagtaas ng rating ng bansa sa Fitch resulta ng maayos sa ekonomiya at pamamahala

By Alvin Barcelona December 11, 2017 - 03:51 PM

Welcome sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang credit rating upgrade ng Fitch sa bansa.

Ito ay makaraang itaas ng Fitch ang long term foreign currency rating ng bansa sa “BBB” mula sa minimum investment grade na “BBB-“.

Sa isa pahayag, sinabi ni BSP Governor Nestor Espenilla Jr. na ang credit rating upgrade ay pagkilala sa positibong pagbabago sa bansa.

Ang productive capacity aniya ng ekonomiya ng bansa ay lumalaki at posibleng magbigay daan sa mas malaki at tuloy-tuloy na Gross Domestic Product (GDP).

Mababa at matatag din aniya ang inflation habang ang balance of payments ay nananatiling manageable at ito ay inaasahan nilang magpapatuloy.

Kaugnay nito, tiniyak ni Espenilla na patuloy nilang tututukan ang kanilang mandato na panatilihin ang matatatag na presyo at pinansyal na kalagayan ng bansa.

Tuloy-tuloy din aniya ang pagpapatupad ng gobyerno ng mga reporma na magpapaunlad sa financial sector at titiyak na mapapakinabang ng mas maraming Pinoy ang lumalagong ekonomiya.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, espenilla, fitch, Inflation, Bangko Sentral ng Pilipinas, espenilla, fitch, Inflation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.