Intelligence gathering sa droga at NPA prayoridad ng PNP

Pagbubutihin pa ng Philippine National Police ang kanilang intelligence information gathering matapos ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP sa anti-drug war campaign ng pamahalaan.

Ayon kay PNP Deputy Director General Ramon Apolinario, sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay lalong makatutulong ang police force sa Philippine Drug Enforcement Agency na lead-agency pa rin sa kampanya kontra-droga.

Siniguro ni Apolinario na susundin pa rin ng mga miyembro ng PNP ang rule of law sa mga ikakasang anti-illegal drug operations at mahigpit rin ang kanilang koordinasayon sa PDEA.

Dagdag pa ni Apolinario, mas magiging aktibo ngayon ang PNP sa pagtugis sa New People’s Army na idineklara na ni Pangulong Duterte bilang isang terroristang grupo.

Muli ring pinaalalahanan ng opisyal ang kanilang mga tauhan na maging alerto dahil sa mga banta ng pag-atake ng mga kalaban ng estado.

Read more...