Dating DPWH Sec. Singson pumalag sa akusasyon sa road scam

By Ruel Perez December 11, 2017 - 03:27 PM

Inquirer file photo

Mariing itinanggi ni dating Public Works Secretary Rogelio Singson na may nangyaring anomalya sa road right-of-way sa mga road projects sa ilalim ng Aquino administration.

Nauna nang inakusahan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Singson na umano’y kumita sa P8.7 Billion sa road right-of-way scam partikular na sa General Santos City batay umano sa alegasyon ng kanilang hawak na testigo na si Roberto Catapang Jr.

Pero nanindigan ni Singson na hindi siya kurap o plunderer at iginiit na ang sulat na iprinisinta ni Catapang ay peke.

Dagdag pa ni Singson, kung meron man umanong nangyaring lagayan o bayaran ito ay naganap noon pang 2007 hanggang 2009 kung saan hindi pa sya kalihim ng DPWH.

Nanindigan si Singson na sinunod nila ang mga patakaran sa validation at valuation sa road right-of-way.

Bukod kay Singson, iniugnay sa anomalya sina dating Budget Secretary Butch Abad at ang brother-in-law ni dating Pangulong Aquino na si Eldon Cruz.

TAGS: DPWH, General Santos City, right of way, singspn, DPWH, General Santos City, right of way, singspn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.