Sereno hinimok ni Justice Tijam na dumalo na sa pagdinig ng Kamara

Inquirer file photo

Naniniwala si Supreme Court Associate Justice Noel Tijam na nagbigyan ng maling legal advice si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ayon kay Tijam ang posibleng dahilan kung bakit hindi dumadalo si Sereno sa pagdinig ng House Committee on Justice sa determination of probable cause sa impeachment complaint laban dito.

Sinabi ni Tijam na hinikayat niya ang punong mahistrado na dumalo sa pagdinig sapagkat bahagi ito ng kanyang constitutional duties.

Pagpapakita rin anya ng hindi pagrespeto sa komite at sa constitutional process kung magpapatuloy na hindi dadalo si Sereno sa pagdinig.

Kaugnay nito, sinabi ni House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali na patuloy pa rin ang kanilang imbitasyon kay Sereno upang magsalita sa komite at ipaliwanag ang kanyang panig.

Read more...