Dating Sen. Jinggoy Estrada, pinayagan ng Sandiganbayan na bumiyahe sa Hong Kong
Pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hirit na biyahe ni dating Senadot Jinggoy Estrada patungong Hong Kong.
Base sa kahilingan ni Estrada sa Sandiganbayan 5th Division, bibiyahe ito sa Hong Kong sa December 26 hanggang 31 kasama ang asawang si Precy, at mga anak nilang sina Janella, Jolo, Julian at Jill.
Ipinangako umano ni Estrada ang nasabing biyahe sa kaniyang pamilya matapos siyang mapayagan na magpiyansa sa kasong plunder.
Ayon naman sa dating senador, ito ang unang pagkakataon na makakasama niya sa biyahe sa ibang bansa ang kaniyang pamilya matapos ang matafal na pagkakakulong.
Ito na ang ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang buwan na pinayagan ng korte si Estrada na makabiyahe sa ibang bansa.
Noong nakaraang buwan, naglagak si Estrada ng P2.6 million na travel bond sa Sandiganbayan makaraang payagan siyang samahan ang kaniyang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada para sa medical check-up nito sa Singapore.
Patuloy pang dinidinig ng anti-graft court ang plunder case ni Estrada at ang susunod na hearing ay nakatakda sa January 8, 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.