Ngayong araw na ang huling pagdinig para sa taong ito ng House Justice Committee sa determination of probable cause sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, sa Enero 15, 2018 na muli ipagpapatuloy ng komite ang kanilang pagdinig.
Ito ay para mabigyang-daan sa nalalabing session days ngayong Disyembre ang pagtalakay sa iba pang prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Kabilang dito ang isinasagawa ngayong bicameral conference sa 2018 proposed national budget at tax reform program ng Duterte administration.
Kasama din sa posible pang talakayin sa pamamagitan ng joint session kasama ang Senado ang hirit na extension ng martial law sa Mindanao.
Sa huling araw ng pagdinig dumalo sina Judicial Board Council executive director Jose Mejia, Associate Justices Noel Tijam, Francis Jardeleza at dating Associate Justice Arturo Brion.
Dumadalo rin sina Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro at Court Administrator Midas Marquez.