Jeepney modernization program sumalang sa pagdinig sa Senado

By Dona Dominguez-Cargullo December 11, 2017 - 11:38 AM

Kuha ni Ruel Perez

Nagsagawa ng pagdinig ang senado hinggil sa jeepney modernization program ng Department of Tranportation (DOTr).

Dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services si Dotr Sec. Arthur Tugade, mga opisyal ng LTFRB at mga kinatawan mula sa transport sectors.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Tugade ma resulta ng mutual consultation at deliberasyon ang programa para sa modernisasyon ng mga pampasaherong jeep.

Mayroon aniya itong three-year window kaya mangangahulugan na may sapat na panahon para mapalitan ang lahat ng luma nang mga jeep.

Sa datos ng LTFRB, 44% ng mga sasakyan sa kalsada ay binubuo ng mga jeep. Nasa 179,663 umano ang mga jeepney units sa buong bansa.

Sinabi naman ni DOTr Asec. Mark De Leon na sa kasalukuyang sistema ng mga pampasaherong jeep, wala itong sinusunod na fleet management at dispatch process.

Ang pasya aniya ng pagbiyahe ay nasa mga tsuper dahilan para maging unreliable ang pagco-commute gamit ang jeep.

Ayon sa DOTr, hindi nila layon na alisan ng hanapbuhay ang mga tsuper.

Katunayan, sa panukalang modernisasyon, ang mga bagong model ng jeep ay mayroong 30 na maximum sitting capacity na magbibigay-daan para sa dagdag na kita ng mga driver.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: department of transportation, jeepney modernization program, senate hearing, transport sector, department of transportation, jeepney modernization program, senate hearing, transport sector

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.