Sandra Cam, itinalaga ni Pangulong Diterte bilang board member sa PCSO

By Chona Yu December 11, 2017 - 11:03 AM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang board member sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang whistleblower na si Sandra Cam.

Pero anim na buwan na lamang o hanggang June 30, 2018 lang maninilbihan sa PCSO si Cam bilang isa sa mga miyembro board of directors.

Base sa nilagdaang appointment paper ni Pangulong Rodrigo Duterte, itinalaga sa pwesto si Cam noon pang July 1, 2017.

Gayunman, noon lamang Miyerkules, Dec. 6 nakapanumpa sa tungkulin si Cam.

Papalitan ni Cam sa pwesto si dating PCSO Board Member Betty Nantes.

Sa naunang panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Cam na ngayong araw pa lamang siya pormal na magsisimula sa kanyang trabaho.

Umaapela rin si Cam sa kanyang mga kritiko na bigyan siya ng tatlong buwan para patunayan na hindi isang political accommodation ang pagkakatalaga sa kaniya sa pwesto.

Si Cam ay isa sa mga masugid na tagasupprta noong panabon ni kampanya ni Pangulong Duterte.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Board Member, pcso, Rodrigo Duterte, sandra cam, Board Member, pcso, Rodrigo Duterte, sandra cam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.