Walang korapsyon sa pagbili ng Dengvaxia – Garin

By Dona Dominguez-Cargullo, Ruel Perez December 11, 2017 - 10:38 AM

Inquirer Photo | Jocelyn Uy-Morales

Kahit nakatakdang operahan, humarap sa pagdinig ng Senado ngayong araw si dating Department of Health (DOH) Sec. Janette Garin.

Ayon kay Garin, hindi lang siya mag-isa ang nagdesisyon sa pagbili ng nasabing mga bakuna.

Mabuti aniyang naisagawa ang imbestigasyon para mailabas ang lahat ng dokumento na magpapatunay na dumaan sa tama at mahabang proseso ang pagbili sa P3.5 billion na halaga ng Dengvaxia.

Ani Garin, walang korapsyon at walang anomalya sa pagbili ng mga bakuna at hindi rin totoong minadali ito ng DOH.

Katunayan sinabi ni Garin na noong panahong nakikipag-usap sila sa mga opisyal ng Sanofi Pasteur ay kasama pa nila ang mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Nakabalot pa ang kamay ni Garin nang ito ay humarap sa Senado dahil siya naka-swero para sa nakatakdang operasyon sa appendicitis mamayang alas 5:00 ng hapon sa Cardinal Santos Medical Center.

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia, department of health, Janette Garin, Radyo Inquirer, Dengvaxia, department of health, Janette Garin, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.