Joint session ng Kamara at Senado isasagawa para talakayin ang martial law extension

AFP file photo

Maaring mag-convene ang Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso para sa isang joint session ngayong linggo upang talakayin ang martial law extension sa Mindanao.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, sa Huwebes o sa Biyernes posibleng isagawa ang joint session upang makapagsagawa ng deliberasyon tungkol sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon ang martial law.

Sinabi ni Fariñas na hindi naman na kailangang magsagawa ng special session dahil mayroon pa namang hanggang December 15 ang Kongreso bago mag-adjourn para sa Christmas break.

Una nang sinabi ng Malakanyang na ngayong araw ay ipadadala ng Malakanyang ang liham ni Pangulong Duterte sa Senado at Kamara na humihiling ng martial law extension.

Ani Fariñas, tiniyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez na agad itong tatalakayin ng Kamara sa sandaling makuha na ang liham ng pangulo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...