Human Rights Watch, bulag at manhind sa effort ng pamahalaan sa drug war ayon sa Malakanyang

INQUIRER FILE PHOTO | JOAN BONDOC

“Bulag, pipi at manhid”.

Ito ang naging bwelta ng Malakanyang sa panibagong banat ng human rights watch na walang genuine effort o walang ginagawa totoong hakbang ang gobyerno ng Pilipinas para mapanagot ang mga taong umaabuso sa anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, off track na o wala na sa ayos ang mga puna ng human rights watch.

“The latest remarks of the Human Rights Watch (HRW) that the Philippine government has not made genuine efforts to seek accountability on alleged abuses in our anti-drug campaign are simply off track,” ani Roque.

Nakadidismaya na ayon kay Roque dahil hindi kinikilala ng HRW ang mga aksyon na ginawa ng pamahalaan para maalis ang mga police scalawags.

Iginiit pa ni Roque na baka kailangang ipaalala pa sa HRW ang ginawang pagsibak sa buong pwersa ng Caloocan Police matapos mapatunayan na nang-abuso ang mga ito sa kanilang kapangyarihan.

Iginiit pa ni Roque na dahil sa ulat ng pang-aabuso ng mga pulis, inalis pa ng pangulo ang PNP sa anti-drug war campaign at ipinauubaya ito pansamantala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“HRW has a penchant for playing blind, deaf and dumb, refusing to acknowledge the efforts of the Administration in addressing alleged abuses of scalawag policemen. Perhaps this HRW must be reminded that an entire police force in Caloocan was relieved because of alleged abuses, and the PDEA was designated to be the lead agency in the government anti-drug operation.,” dagdag pa ni Roque.

Apela pa ni Roque, kung binibigyan ng due process ang mga biktima ng pang-aabuso, dapat ding bigyan ng due process ang mga pulis na tumutupad lamang sa kanilang tungkulin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...