3 drug suspects arestado sa QC; P100,000 halaga ng shabu, nasabat

By Dona Dominguez-Cargullo December 11, 2017 - 08:44 AM

Naaresto ang tatlong drug suspects sa isinagawang entrapment operation sa isang apartelle sa Quezon City.

Ayon kay Chief Inspector Ferdie Mendoza, hepe ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD), isinagawa nila ang operasyon Lunes ng umaga na nagresulta sa pagkaka-aresto kina Edifir Banacia, Alfredo Ayong at Ana Marie Escoria.

Nakuha mula sa tatlo ang 20 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.

Itinanggi naman ng tatlo na nagbebenta sila ng droga pero aminadong sila ay users.

Ani Mendoza, matagal na nilang minamanmanan ang tatlo na ang taktika ay magpalipat-lipat sa magkakaibang apartelle sa lungsod.

Lunes ng alas 4:00 ng umaga nang matunton ang tatlo sa apartelle sa New York Street kanto ng St. Mary Street sa Barangay E. Rodriguez sa Cubao.

Mayroon aniyang asset ang pulisya na matagal nang sumusubaybay sa tatlo at nang matiyak ang lokasyon ng mga ito ay agad ikinasa ang operasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: entrapment operation, quezon city, shabu, three persons arrested, entrapment operation, quezon city, shabu, three persons arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.