Mga mambabatas, duda sa kredibilidad ng mga naglalabasang Presidential survey

By Isa Avendaño-Umali September 21, 2015 - 04:01 PM

Hindi dapat magpaloko o magpa-manipula ang publiko sa kabi-kabilang mga survey para sa 2016 Presidential elections.

Ito ang paalala ni 1-BAP PL Rep. Silvestre Bello III kasunod ng lumabas na bagong survey ng Social Weather Station o SWS kung saan umangat ang ratings at naungusan na ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas si Vice President Jejomar Binay, habang nananatiling number one si Senadora Grace Poe.

Para kay Bello, kung ang isang kandidato ay naniniwala sa sarili nitong propaganda ay lalabas at lalabas ang pangalan nito.

Hindi naman kumbinsido si Paranaque Rep. Gus Tambunting sa prosesong ginagamit sa pagsasagawa ng mga survey.

Pinuna ni Tambunting ang palaging pagpapalutang lamang sa tatlong kandidato, o sina Poe, Roxas at Binay.

Para naman kay Buhay PL Rep. Lito Atienza, malinaw na nagagamit ang mga survey firm ng mga politiko, habang niloloko ang publiko.

Aniya, maaaring tailored ang mga survey o palalabasing nangunguna ang isang aspirante para maimpluwensyahan ang mga botante.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.