WATCH: 4, arestado sa drug buy-bust operation sa Tondo
Arestado ang apat na katao makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa ikinasang anti-drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa bisa ng search warrant, isa-isang hinahulughog ng Special Enforcement Service ng PDEA ang 3 bahay sa Brgy. 112 Tondo, Maynila.
Sa bahay ni Ramil Paragas sa CP Garcia St. corner Dandan St. nakuha ang mga sachet ng umano’y shabu at drug paraphernalia.
Nakita din sa kaparehong kalye ang apat na sachet ng hinihinalang shabu malapit sa lababo sa kwarto ni Vicente Anciado Jr. habang sa drawer ng kwarto ni Ruel Maestro alias Yamson nakuha ang limang sachet ng illegal na droga.
Samantala, tatlong sachet ng umano’y shabu naman ang nakuha sa bahay ni Virgilio Estrada sa Osmeña St.
Ayon sa PDEA, ginagawang drug den ang bahay nina Paragas at Estrada habang habang notoryus na pusher naman sina Anciado at Maestro.
Ayon kay Christy Silvan, acting deputy director ng PDEA Special Enforcement Service, nakatanggap sila ng intelligence reporttungkol sa illegal na transaksyon ng mga suspek.
Samantala, itinananggi naman ng mga nahuling suspek ang kanilang partisipasyon sa illegal drug trade.
Dinala sa PDEA Headquarters ang mga suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.