LPA papasok sa bansa ngayong araw

Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang maaring pumasok sa bansa ngayong araw.

Ayon kay PAGASA weather specialist, Obet Badrina, sa silangang bahagi ng Mindanao papasok ang nasabing LPA.

Hindi pa naman matukoy kung anong tanghali o gabi ang pasok sa bansa ng nasabing sama ng panahon.

Sa ngayon, tatlong weather systems ang umiiral sa bansa.

Ang tail-end ng cold front ay maghahatid ng maulap na papawirin na mayroong kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms sa Bicol Region at sa mga lalawigan ng Quezon, Mindoro, Marinduqe at Romblon.
Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman ang umiiral sa buong Visayas at Mindanao na maghahatid din ng kalat-kalat na pag-ulan.

Habang sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, lalawigan ng Aurora, nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON at maging sa Metro Manila ay Northeast Monsoon o Amihan ang umiiral.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...