Pagdinig ng Senado sa anti-dengue vaccine program ng DOH, sisimulan na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo December 11, 2017 - 06:44 AM

Aarangkada na ngayong umaga ang pagdinig ng Senado kaugnay sa pagbili ng P3.5 billion na halaga ng mga anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Ang imbestigasyon ay pangungunahan ng tatlong komite sa senado kabilang ang blue ribbon, finance at health and demography.

Ang nasabing mga komite ay pinamumunuan nina Senators Richard Gordon, Loren Legarda at JV Ejercito.

Kabilang sa imbitado sa pagdinig ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health at mga kinatawan mula sa Sanofi Pasteur na manufacturer ng bakuna.

Kabilang din sa iimbitahan si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Una nang sinabi ni Senator Gordon na prayoridad sa isasagawang pagdinig na matiyak na hindi maitutuloy ang programa makaraang mismong ang Sanofi ang magsabi na ang Dengvaxia ay mayroong hindi magandang epekto sa mga bata na hindi pa nagkaka-dengue.

Aalamin din kung bakit minadali ang pagrelease ng pondo at pagbili sa nasabing mga bakuna noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay Gordon, lahat ng pumirma at nag-apruba sa nasabing programa ay mayroong pananagutan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti dengue vaccine, Dengvaxia, department of health, Radyo Inquirer, senate hearing, anti dengue vaccine, Dengvaxia, department of health, Radyo Inquirer, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.