Dry-run para sa HOV lane sa EDSA, umpisa na ngayong araw
Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong alas 6:00 ng umaga ang isang linggong dry-run para sa pagpapatupad ng HOV o High Occupancy Vehicle Lane sa EDSA.
Sa ilalim ng polisiya, ang mga pribadong sasakyan na may sakay na dalawa o higit pa ay may pribilehiyong gamitin ang fifth lane o ang linyang katabi ng MRT.
Ang private cars naman na driver lang ang sakay ay ang 3rd lane at 4th lane ang gagamitin.
Mananatili naman ang yellow lane para sa mga bus.
Hindi muna pagmumultahin ang mga lalabag na motorista sa loob ng isang linggong dry-run.
Layon ng bagong ipatutupad na polisiya sa MMDA na hikayatin ang mga motorista na mag-ride sharing para mabawasan ang dami ng mga sasakyang bumabagtas sa EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.