South Korea, magpapatupad ng bagong sanctions laban sa North Korea
Magpapatupad ng bagong unilateral sanctions ang South Korea laban sa North Korea upang paigtingin ang pagkastigo sa isinagawa na namang serye ng nuclear tests ng Pyongyang.
Ito na ang ikalawang beses na maglalabas ng unilateral sanctions ang Seoul sa loob lamang ng isang buwan, na tiyak na ikagagalit na naman ng Pyongyang.
Sa nasabing bagong sanctions, isasailalim sa blakclist ang kabuuang 20 North Korean organizations kabilang na ang mga bangko at trading companies, pati na ang 12 North Korean na indibidwal na karamihan ay pawang mga bankers.
Ayon sa Yonhap news agency ng South Korea, sangkot ang mga nasabing organisasyon at indibidwal sa pagbibigay ng pondo upang maitaguyod ang pag-develop ng “weapons of mass destruction” o kaya ay iligal na bentahan ng mga sanctioned items.
Dahil sa panibagong sanctions, hindi na maaring makipagtransaksyon ang mga taga-South Korea sa mga naturang indibidwal at mga kumpanyang kabilang sa blacklist.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.