Radiation detectors, ibinigay ng US sa BOC

 

Nakatanggap ang Bureau of Customs (BOC) ng 20 na bagong personal radiation detectors na nagkakahalaga ng P1.5 million mula sa US Export Control and Related Border Security Program (EXBS).

Ibinigay ito ng EXBS upang makatulong sa pagpapalawig ng kapasidad ng BOC na matukoy ang presensya ng anumang nuclear at radioactive na mga kagamitan sa mga kargamento.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, malaki ang maitutulong nito sa pagtupad nila sa kanilang mandato lalo na’t nakararanas ang Pilipinas ng matinding problema sa iligal na droga at terorismo.

Samantala, una na ring nagsagawa ang EXPS sa pakikipagtulungan sa US Customs and Border Protection (CBP) ng apat na araw na International Seaport Interdiction Training sa mga kawani ng BOC noong nakaraang linggo.

 

Read more...