Inilabas ng DOH ang nasabing pahayag matapos magdulot ng takot sa publiko ang kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng dengue vaccine na Dengvaxia, na pinayagan ng kagawarang maiturok sa mga public school students.
Iginiit ni Health Undersecretary Herminigildo Valle na walang dapat ikatakot ang mga magulang sa Expanded Program on Immunization (EPI) ng gobyerno dahil tunay namang kapaki-pakinabang ang mga ito.
Ayon kay Valle, hindi dapat pangambahan ng publiko ang pagpapabakuna, lalo na iyong mga laban sa tigdas, bulutong, diphtheria, tetanus at influenza dahil “well established” naman na ang mga ito sa loob ng mahabang panahon.
Babala ni Valle, lalong malalagay sa panganib ang kalusugan ng mga bata kung hindi papabakunahan laban sa mga vaccine-preventable diseases.
Samantala, ang iba pang mga bakuna na ibinibigay ng DOH sa ilalim ng EPI ay iyong mga laban sa tuberculosis, hepatitis B, polio, meningitis, at pneumonia.