Ilan pang mga bayan sa California, pinalilikas na rin dahil sa wildfire

By Jay Dones December 11, 2017 - 03:28 AM

 

Lalo pang lumalawak ang mga wildfire sa California.

Sa pinakahuling impormasyon, nagbabanta na itong tupukin ang mga kabahayan sa lugar ng Santa Barbara na may layong 160 kilometro sa kanluran ng Los Angeles.

Dulot ng malakas na hangin at matinding tagtuyot, patuloy na kumakalat ang sunog.

Sa kasalukuyan, naabo na nito ang nasa halos 63,000 ektaryang lupain at tinupok na ang daan-daang mga kabahayan at iba’t ibang istruktura.

Dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy, napilitan na ang mga lokal na fire district na ipag-utos na rin ang pagpapalikas sa mga residente ng Carpinteria at Montecito.

Nahihirapan pa rin ang mga kagawad ng pamatay sunog na apulain ang apoy dahil sa hirap ng terrain at malakas na hangin.

Sa ngayon, umaabot na sa 200,000 residente ang sapilitang pinalikas resulta ng wildfire.

Isang 70-anyos na ginang naman ang nasawi matapos maaksidente sa kanyang sasakyan habang tumatakas sa sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.