China Telecom, napili bilang third player sa telecom industry ng Pilipinas

By Jay Dones December 11, 2017 - 02:29 AM

 

May napili na ang China na maaring lumahok bilang panibagong ‘player’ sa telecommunications industry ng Pilipinas.

Ayon kay Comunications Secretary Martin Andanar, iniulat na sa pangulo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang posibleng pagpasok ng kumpanyang China Telecom Corporation Limited bilang ikatlong telecom player sa bansa.

Ang China Telecom ang isa sa pinakamalaking telecommunications company sa China at nakarehistro sa Hong Kong Stock Exchange at sa New York Stock Exchange.

Hawak nito ang 16.8 percent ang market share o katumbas ng 230 milyong mobile subscriber sa kanilang bansa.

Gayunman, nilinaw ni Andanar na kailangan pa ring maghanap ng kanilang makaka-partner na lokal na kumpanya ang China Telecom dito sa Pilipinas.

Ito ay dahil sa ilalim ng umiiral na batas, hindi maaaring lumampas sa 40 porsiyento ang ‘ownership’ ng isang foreign company na nag-ooperate dito sa bansa.

Matatandaang si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-alok sa China na pumasok sa local telecom industry sa Pilipinas nang magtungo ito sa China.

Sa kasalukuyan, hawak ng Globe at Smart ang telecom industry sa PIlipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub