Ex-Pres. Aquino, iimbitahan sa hearing ng Senado sa Dengvaxia issue

By Jay Dones December 11, 2017 - 01:31 AM

Iimbitahan ng Senado sa gagawin nitong imbestigasyon sa kontrobersyal na anti-dengue vaccination program si Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang kinumpirma sa isang panayam ni Senador Richard Gordon, ang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee na mag-iimbestiga sa isyu.

Paliwanag ni Gordon, mahalagang maipaliwanag ni Aquino ang nilalaman ng kanyang mga naging pakikipag-usap noon sa mga opisyal ng Sanofi-Pasteur, na gumawa ng bakunang Dengvaxia.

Sa impormasyon, dalawang ulit nakipag-pulong ang dating pangulo sa mga opisyal ng naturang kumpanya sa France.

Matapos aniya ang naturang pagpupulong, napabilis ang proseso ng pagbili ng P3.5 bilyong pisong halaga ng Dengvaxia ng gobyerno sa Sanofi-Pasteur.

Ngayong Lunes nakatakdang simulant ng Senado ang hearing sa anti-dengue vaccination program na ginamitan ng Dengvaxia.

Matatandaang mismong ang Sanofi-Pasteur ang naglahad na posibleng makaranas ng mas malalang sintomas ng dengue ang isang taong nabakunahan kung hindi pa ito nagkakaroon ng naturang sakit.

Gayunman, nilinaw nitong hindi naman nakamamatay ang naturang kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub